Bakit ba ikaw pa?

Mayo 12, 2008

Bakit ba ikaw pa?

Edison®

Hindi ko lubos maunawaan kung bakit nga ba

Sa dinamidami ng babae sa mundo’y ikaw pa

Ang tinangi ko at minahal talaga ng sobra-sobra

Ano nga bang meron ka na wala sa iba/

Kaya heto tinatanong ko ang sarili ko at nag-iisa

Ano na nga ba ang iyong napala?

Di ba’t sakit sa puso at labis na pagdurusa

Ngunit sa iba ay di naman maipakita

Puso ko ngayong nag–iisa’t nangungulila

Ay nababalot ng pighati sa kabila ng ligaya

Sa tuwing nakikita kitang masaya

Sa tuwing nababanggit ang pangalan nya

O Diyos ko! Ako sanay tulyngan mo

Isip at puso ko’y litong-lito

Tama nga ba itong nararamdaman ko?

Kung gayon bakit ako nagdurusa ng ganito?

Hindo ako naghahangan ng ano pa man

Makita lang kitang maligaya ay ayos na

Kahit na masakit ay titiisin

Makita ko lamang matamis mong ngiti

Habang buhay man na magdusa ay aking kakayanin

Pagkat ikaw ay lubhang mahalaga sa akin

Lahat ng bagay ay aking gagawin

Sabihin mi lamang at ika’y agad na susundin

Cookies

Mayo 1, 2008

Yan ang balot ng cookies na ibinigay sa akin ng aking mga estudyante mtapaos an gaming DVBS Nakakatuwa pagkat sa simpleng paraan, nadama ko na hindi nawalan ng saysay ang aking mga ginawa an gang aking pagod sa pagtuturo sa kanila. I’m very blessed for being the teacher of these young children. Napakasarap sa pakiramdam na naaalala ka ng iyong mga estudyante. Talaga namang nakakataba ng puso at nakakawala ng pagod. Salamat sa Diyos sa buhay ng mga kabataang ito at salamat din sa isang mnapakalaking Opportunity na magkaroon ako ng bahagi sa buhay ng ng kabataang ito bilang isang guro.